Monday, March 24, 2008

Naranasan mo na bang?

Naranasan mo na bang.....


mainip sa kakahintay ng iyong autoload o e-load?

magising ng alas otso para sa klase mong alas siyete?

maubusan ng pera isang araw bago ang inyong beach outing?

magdala ng gatorade at matanong ng "painom?"

mangapa sa dilim at biglang maisip na, "pucha! may ilaw nga pala kami!"?

malabasan ng tubig sa ilong nang dahil sa kakatawa?

maipit ng panty mo ang palda mo sa likod?

umorder ng kadami-dami at magsisi sa huli?

bumili ng peke at magsisi?

umorder ng large fries, double burger at DIET coke?

tumawa ng malakas sa library?

mahilo sa MRT?

makalimutang ang iyong pitaka kasama nang inyong deyt?

bumasa ng librong makapal at walang maintindihan?

bumasa ng librong 20 pages at wala paring maintindihan?

matahimik sa harap ng isang dayuhan?

magsisi at bakit hindi mo sineryoso ang iyong Spanish class?

magdala ng kodigo sa mahaba niyong exam?

magsinungaling at mahuli?

at higit sa lahat......

naranasan mo na bang magtanong kahit na alam mo na ang sagot?

0 comments: